Posts

#DEEPDOWN

  Awitin ng pamilya: Deep Down in My Heart Gayahin ang dance interpretation video sa Youtube Channel : “C:ON” at i- search ang song na “Deep Down.”  Sikaping lahat sa pamilya ay makiisa. Maaaring sariling action na lamang kung walang wifi sa bahay. Muli, i- video ito at iupload sa Facebook : #DeepDown

Action Speaks Louder

  1.   Sabihin: “ Nakailang gabi na tayo ng Family Altar? (Bilangin.) Inaasahan natin, sa ikatlong linggong tayo ay magkakasama sa bahay, mas lumalim ang ugnayan natin sa isa’t isa. Tama? (Hintayin ang sagot ng lahat.)” 2.   Sabihin ng bawat isa sa katabi niya sa kaliwa, “ I love you dahil   (dahilan kung bakit niya mahal) , kaya   (gagawin para sa kanya). ” Halimbawa: “ I love you dahil ikaw ay masunuring anak, kaya lagi kitang ipagluluto ng masarap na pagkain. ” 3.   Sasabihin ito sa pamamagitan ng “ sign language. ”      Ipa- interpret sa sinasabihan ang bawat salita ng      sign  language . Simulan ng lider hanggang maisagawa ng lahat.

SALAMAT SA IYO

  1.   Bago magsimula : maghanda ng magkakaibang      pagkain na sapat sa bilang ninyo. 2.   Ihain ang pagkain, papiliin ang pamilya ng kanilang  paborito. Kunin at hawakan muna ito. Gumamit ng tissue kung kinakailangan. 3.   Sabihin, “ Sabihin sa katabi sa kaliwa ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo sa kanya. Pagkatapos, ibibigay mo sa kanya ang hawak mong pagkain. Isa-isa tayo. ” 4.   Gawin ito hanggang matapos magsalita ang lahat. Sabay-sabay kumain.

FAMILY THEATER ARTS

    Basahin: Mga Awit 117. Ayon sa creativity/talent ng pamilya, pagtulungang makabuo ng artistic expression ng dalawang talata. Example: song , sabayang bigkas, hand mime , dance , atbp. I- present ang inyong family theatre arts bago kayo manalangin.

AKO 'YAN! PRAISE THE LORD!

Bago magsimula : Maglista ng 15 magagandang katangian/ugali sa isang bond paper . Bawat katangian ay isulat din sa 1/8 bond paper at ilagay sa isang lalagyan. Mamahagi ng tig-iisang bond paper at i- fold ng 1/8. Papiliin ng 8 katangian sa 15 katangiang nakalista na sa tingin nila ay ganoon sila. Isulat ang mga napili sa bond paper nila. Isa sa bawat 1/8 na bahagi nito. Isa-isang bubunutin ang mga katangian. Kapag nabunot ang katangian nila, lalagyan ng tsek o pakulayan o guhitan ng smiley depende sa edad ng pamilya. 5. Ipasigaw sa tuwing mabubunot ang katangian nila, “ Ako ‘yan! ” 6. Kapag nabunot na ang 8 katangian, isisigaw, “ Praise the Lord! ” Tapusin hanggang lahat ay nakakumpleto ng 8 katangian nila.

SUMASAMPALATAYA

1.   Bago magsimula: Isulat sa bond paper, SUMASAMPALATAYA 2.   Bigyan ng tig-iisang papel at panulat ang mga miembro ng pamilya 3.   Ipasulat ang mga salitang makikita sa salitang SUMASAMPALATAYA sa loob ng itinakdang minuto. Paramihan. Bilangin ang score. 4.   Point system: 4 letters = 1 pt., 5 letters = 2pts., 6 letters = 3 pts., 7 letters = 4 pts. 5.   Dagdag sigla: i- subtract ang score ng mga magkakapareho ninyong salita.

KAPAREHONG PRUTAS

1.   Bago magsimula: Maghanda ng papel at panulat na sasapat sa bawat isa. 2.   Itanong: “ Ano ang paborito mong prutas? Bakit mo ito paborito?” 3.   Sabihin: “ Maliban sa paborito, sa anong prutas mo maipapareho ang sarili mo? ” 4.   Ipamigay ang papel at panulat. Ipa- drawing ang prutas (maaaring pakulayan). 5.   Isa-isang ihaharap ang drawing at magbabahagi, “ Ako ay kapareho ng __________ dahil __________________. ” (sabihin kung bakit niya nasabing kapareho niya ito.)