Action Speaks Louder
1. Sabihin: “Nakailang gabi na tayo ng Family Altar?
(Bilangin.) Inaasahan natin, sa ikatlong linggong tayo ay magkakasama sa bahay,
mas lumalim ang ugnayan natin sa isa’t isa. Tama? (Hintayin ang sagot ng
lahat.)”
2. Sabihin ng bawat isa sa katabi niya sa
kaliwa, “I love you dahil (dahilan kung bakit niya mahal) , kaya (gagawin para sa kanya).” Halimbawa:
“I love you dahil ikaw ay masunuring
anak, kaya lagi kitang ipagluluto ng masarap na pagkain.”
3. Sasabihin ito sa pamamagitan ng “sign language.”
Ipa-interpret sa sinasabihan ang bawat salita ng
sign language. Simulan ng lider hanggang maisagawa ng lahat.
Comments
Post a Comment