Posts

Showing posts from July, 2020

SUMASAMPALATAYA

1.   Bago magsimula: Isulat sa bond paper, SUMASAMPALATAYA 2.   Bigyan ng tig-iisang papel at panulat ang mga miembro ng pamilya 3.   Ipasulat ang mga salitang makikita sa salitang SUMASAMPALATAYA sa loob ng itinakdang minuto. Paramihan. Bilangin ang score. 4.   Point system: 4 letters = 1 pt., 5 letters = 2pts., 6 letters = 3 pts., 7 letters = 4 pts. 5.   Dagdag sigla: i- subtract ang score ng mga magkakapareho ninyong salita.

KAPAREHONG PRUTAS

1.   Bago magsimula: Maghanda ng papel at panulat na sasapat sa bawat isa. 2.   Itanong: “ Ano ang paborito mong prutas? Bakit mo ito paborito?” 3.   Sabihin: “ Maliban sa paborito, sa anong prutas mo maipapareho ang sarili mo? ” 4.   Ipamigay ang papel at panulat. Ipa- drawing ang prutas (maaaring pakulayan). 5.   Isa-isang ihaharap ang drawing at magbabahagi, “ Ako ay kapareho ng __________ dahil __________________. ” (sabihin kung bakit niya nasabing kapareho niya ito.)

SINO AKO?

1.   Maghanda ng tig-tatlong 1/8 bond paper sa bawat miembro ng pamilya. 2.   Sa pasimula, ipamahagi ang mga papel at ipasulat sa pamilya ang tatlong katangian ng bawat isa ayon sa pagkakilala nila sa sarili. Isang katangian sa isang papel. 3.   Pagsamahin sa lalagyan. Isa-isang kukuha ang mga miembro ng pamilya at huhulaan ang nagmamay-ari ng katangiang nakasulat. Ibalik kung mali ang hula. 4.   Dagdag sigla: bigyan ng consequence ang bawat pagkakamali. Halimbawa: Kakanta, iinom ng tubig, iikot sa upuan ninyo, atbp.

PART OF A SQUARE

Image
1.   Ihanda ang 8.5 x 8.5 bond paper (square) . Gupitin ayon sa nakikita sa larawan. Itabi para sa inyong pasimula. 2.   Bilang pasimula, ipasulat ang mga pangalan ng mga miembro ng pamilya sa apat na piraso ng papel. Dalawahin ang pangalan kung sobra kayo sa apat. 3.   Paalaala: HUWAG TINGNAN ANG LARAWAN HABANG BINUBUO ITO!!!! 4.   Sabihin, “ Tayo ay tulad ng mga papel na ito. Mahalaga ang mabuting ugnayan natin sa loob ng tahanan. Pagtulungan nating buuin. ”

NAME GAME

Alphabetically , isa-isang magbibigay ng pangalan ang mga miembro ng pamilya mula letter “A” hanggang letter “Z.” Kailangang kakilala ng pamilya ang babanggiting pangalan. Kung walang maisip na kakilalang pangalan, maaaring magbanggit ng hindi kakilala pero ito ay puntos para sa nagbanggit. Mag- special number ang pinakamaraming puntos bago ang panimulang panalangin.

Part of the House

Isa-isang itanong ang mga sumusunod at hayaang tumugon ang bawat isa: o   " Saang lugar sa bahay natin ang paborito mo? Bakit mo paborito?” o   “Kung ikaw ay bahagi ng bahay, ano’ng bahagi ka? I-relate sa sarili ang bahaging pinili mo.” Sikaping maging malaya ang bahaginan. I  apppreciate ang mga sagot.

Candlelight Ceremony

Bago magtipon:  Maghanda ng kandila at pansindi nito. Sabihin, “ Sisindihan ng bawat isa sa atin ang kandilang ito. Bago ninyo   sindihan, i-share ninyo ang ginagawa ninyong hindi mabuti noon na ngayon ay nabago na. Saka ninyo sisindihan ang kandila. ” Sasabihin nang nag- share , “ Naglalakbay na ako sa liwanag. ” Ipapasa ang kandila at papatayin ang sindi ng kasunod na magsi- share . Uulitin ang ginawa ng nauna. Gawin ito hanggang ang lahat ay nakapag- share na.

Tinapay Sharing!

Bago magtipon:  Maghanda ng isang balot ng tinapay na sasapat sa lahat. Sabihin , “ Sa pagkuha ng tinapay, magshare tayo ng isang pangyayari sa  pamilya natin na ang Diyos ay tumugon sa pangangailangan ng pamilya. ” Sabihin sa bawat sharing , “ Hindi tayo pinagkukulang ng Panginoon! ”

TOAST

Bago magtipon: Maghanda ng inuming tubig sa tig-iisang baso. Sabihin, “Magsabi tayo ng pasasalamat sa Diyos sa mabuting pangyayari sa  pamilya natin. Mag-toast tayo, tanda ng ating sama-samang pasasalamat. ” Mag- toast sa bawat pasasalamat at sabay-sabay sabihin, “ Salamat, Panginoon! Pinagpala N’yo ang aming pamilya! ”